PRAKTIKAL NA TULONG SA

PAGSASANAY SA MGA DISIPULO

 

1.      Tiyakin kung saan magsisimula:  Maaari mong gamitin ang Aralin Bilang Isa o sa mga “Optional Starting Points”  na matatagpuan sa pahina 22 at 23 sa pagsisimula.  Kung minsan ay maari ka ring magsimula sa pamamagitan ng panalangin, pagpapatotoo, o kaya ay sa pagkikipagkwentuhan.  Depende sa iyong sitwasyon.  Kaya, dapat lagi kang handa anumang oras.

 

2.   Makipagkita sa iyong tinuturuan minsan sa isang Linggo.

 

3.      Laging ihanda ang mga gamit (tulad ng mga aralin, mga card para sulatan ng mga versikulo at iba pang tracts.)

 

4.      Sa kabuuan, huwag mong hihintayin na lapitan ka ng mga tao.  Ikaw mismo ang lumapit sa kanila.  Kung marami ang iyong tinuturuan, piliin mo kung sino sa iyong palagay ang mahihirapan na pag-aaral.

 

5.      Ibigay ang mga “Hakbang” ng mga aralin.  Isa-isahin lamang ang pagbibigay.

 

6.      Gumawa ng paraan upang ipaalam kung mayroong hindi makakadalo.

 

7.      Hangagat maari, sa isang lamesa magsagawa ng pagtitipon at pag-aaral. (Iwasan ang sestima ng mga silid aralan kung saan ang mga guro ay nakatayo at ang mga estudyante ay nakaupo habang nakikinig.  Ang pagdidisipulo ay hindi isang classroom encounter, ito ay pagbabahagi ng relasyon at mga kaalaman. )

 

8.      Hanggat maaari, magtipon lamang sa loob ng isang oras o hanggang isa’t kalahating oras.

 

9.      Hayaang magsalita ang iba, at ibahagi ang kanilang kuro-kuro.

 

10.  Ang mga babae ay makikipagtipon sa kapwa babae at ang mga lalaki ay sa kapwa lalaki.

 

11.  Kung may dalawa o higit pang kasapi sa grupo at may hindi nakadalo sa sinundang pagtitipon, hayaan ang isa sa grupo ang maghalad ng pinag-aralan noong nakaraang pagtitipon.

 

12.  Huwag sayangin ang mga pagkakataon.  Maging tuwid sa layunin.  Ito ang dahilan kung bakit ang mga aralin ay nagsisimula sa Pahayag 3:20 at sa Roma 10:9.  Tiyaking  makilala nila ang Panginoon.

 

13.  Huwag ipagpilitan ang mga Hakbang o Aralin, hayaan ang Espiritu Santo na kumilos sa buhay ng mga tinuturuan.

 

14.  Huwag mag-apura. Bigyan ng panahon ang grupo.  Hindi naman kinakailangang basahin ang lahat ng bersikulo na nakakatala.  Pahalagahan ang mga pangangailangan at panahon ng mga tinuturuan upang higit nilang maunawaan ang mga aralin, hindi laman ng libro ang mahalaga kundi ang aplilkasyon nito sa tunay na buhay.

 

15.  Panatilihin na may mabuting relasyon sa mga tinuturuan, hindi lamang relasyon bilang guro at estudyante kundi bilang magkaibigan.  Magsagawa ng mga kasama ang mga tinuturuan.

 

16.  Pag-usapan ang mga problemang bumabagabag sa mga disipulo at ituro sa kanila ang daan tungo sa praktikal na solusyon.  Kung may kritikal na problema sa pagkakataon ng pagtitipon, unahin munang pag-usapan ang problema saka na lang ituloy ang pag-aaral kung may oras pa.   Huwag mag-alangang humingi ng tulong sa mga Kristiyanong iyong iginalang.

 

17.  Ibahagi sa kanila ang iyong pangangailangan. (tayong lahat ay parehong meron)

 

18.  Magbalik aral tuwing magtitipon.  Hayaang ibahagi muli ng disipulo ang mga aralin sa iyo o sa ibang tao kung maaari.

 

19.  Tandaan: ang mga impormasyon ay kinakailangan , ngunit ang layunin ay makapagporma ng disipulo para sa panginoon.

 

20.  Ang mga oras na gugulin sa mga disipulo ay maaaring:

A  Personal na aplikasyon ng mga Salita ng Diyos na iyong ibinahagi.

B.  Mga pagsasanay. (Mga hamon sa pag-aaral, at pagmememorya)

C.  Sagutin ang mga problema na lalabas.

D.  Mga panalangin.

E.  Magpatuloy sa paggamit ng mga aralin.

      F.  Ipasulat sa mga disipulo ang mga versikulo sa mga card nila habang iyong idinidikta sa kanila.

     G.  Bago iwanan ang mga aralin, planuhin ang mga sumusunod sa pamamamgitan ng paglalagay ng

mga tanda sa progress sheet.

     H.  Tandaan:  ang pagiging aktibo sa ministeryo ay nakapagbibigay ng direksyon sa lahat ng aktibo

     sa pagdidisipulo.

 

MGA TANONG NA LAGING ITINATANONG TUNGKOL SA PAGHUBOG NG DISIPULO:

 

TANONG:  Tama ba ang aking ginawa?  Pagkaraan ng apat na buwan, nasa ikaapat na aralin pa rin ako.  Parang napakaraming oras na ang nagugol ko sa isang bagay.

 

SAGOT:  Tama ang iyong ginagawa.  Walang limitasyon sa oras ang pagdidisipulo.  Sa iba, maaaring mabilisan, pero sa iba naman, maaaring matagal.  Huwag pag-uusapan ang mga bagay kung hindi mo dala ang mga aralin dahil yon ang dahilan kung bakit kayo nagkatipon.  Huwag kang mag-alala, lahat tayo ay patuloy na matututo.

 

TANONG:  Ngayon, ang mga miyembro na naman ng mga simbahan ang ating ididisipulo, kailangan bang magkaroon ng komite para dito?

 

SAGOT:  Ang pagsasanay ng disipulo ay naiibang programa.  Ito ay ang pagbuo ng relasyon sa kapwa.  Ang mga naunang salu-salo o kalahating araw na retreat ay mahalaga upang mahihikayat ang mga taong magkaroon sila ng pananaw upang ang lahat na tao ay maging disipulo.