PAMBUNGAD PARA SA PAGHUBOG NG DISIPULO
Sandali! Huwag ka munang magpatuloy sa pagbasa hanggat hindi mo pa nababasa ang paunang salita ng Paghubog ng Disipulo. Ang babala sa paunang salita laban sa information trap ay mahalagang malaman para sa epektibong paghubog ng mga disipulo.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos basahin ang paunang salita.
Salamat sa iyong pagbasa ng panimulang salita para sa Paghubog ng Disipulo. Ngayon, narito ang ilang paalaala na makatutulong sa iyo sa iyong pagpapatuloy sa pagtuturo ng iyong mga disipulo.
1. Pag-aralang mabuti ang mga Kapaki-pakinabang na Tulong Para sa Paghubog ng Disipulo na matatagpuan sa pahina 19 at 20 ng Appendix na nakapaloob sa manwal ng Paghubog ng Disipulo. Maraming pangkaraniwang tanong tungkol sa Paghubog ng Disipulo ang sasagutin doon.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos basahin ang mga Kapaki-pakinabang na Tulong.
2. Buksan sa pahina 21 at 22. Ang mga pahinang ito ay may pamagat na Ang Bibliya, Diyos at Tao, nagbibigay ng mga bagay na mapagpipilian sa pagsisimula ng pagtuturo sa mga disipulo. Mapapansin na ang mga nilalaman ng bahaging ito ay magbubukas sa usapan tungkol sa Diyos, ano ang Biblia, at ano ang ginawa ng Diyos kay Kristo upang makilala Siya ng tao. Magpatuloy hanggang sa pahina 23. Doon ay matatagpuan ang paliwanag tungkol sa larawang-guhit ng tulay na ginamit at ginagamit ng marami sa paggabay sa kanilang mga kaibigan na magkaroon ng personal na relasyon kay Hesu-Kristo.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos basahin ang pahina 21, 22, at 23.
3. Buksan ang sa pahina 24 at 25 ng Paghubog at basahin ang Talaan ng Pag-unlad (Progress sheets). Ipa-zerox ang dalawang pahinang ito para sa mga grupo na iyong tinuturuan. Pagkatapos, isulat ang pangalan ng mga disipulo na iyong tinuturuan sa kaukulang puwang sa ibabaw ng pahina. Sa tuwing matatapos ang iyong pagtuturo sa iyong mga disipulo, itala ang mga bagay na inyong tinalakay at pinag-aralan. (May mga araw na maaring hindi matalakay ang mga aralin na dapat mong talakayin dahil sa may mahalaga kang dapat pag-ukulan ng pansin. Isulat ang petsa at araw ng inyong susunod na pagtitipon sa tabi ng aralin na inyong natalakay sa araw na iyon upang malaman kung saan ka magsisimula sa susunod na pagtitipon.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos magpa-zerox ng Talaan ng Pag-unlad.
4. Tandaan ang kahalagahan ng pagtatanong. Ang mga katanungan ay iyong kaibigan. Sa pamamagitan ng tanong, ang iyong mga tinuturuan ay magkakaroon ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga kuro-kuro at pang-unawa sa inyong pinag-aralan. Ang pagbibigay daan sa mga katanungan ng mga tinuturuan ay kadalasang magtutulak sa inyo sa mga hindi inaasahan ngunit importanteng direksyon.
Buksan sa pahina 1a ng Guide (Gabay) na ito at pansinin ang limang bagay na matatagpuan sa Prompts and Notes para sa Unang Aralin.
1. Ang pahina 1a ay gabay sa pahina 1 ng Paghubog sa Disipulo at ang pahina 2a ay gabay naman para sa pahina 2… at iba pa…
2. Mapapansin sa ibabaw ng pahina ay nakasaad ang Layunin Para Sa Unang Hakbang. Ang mga impormasyong ito ay mahalagang tandaan sa bawat Hakbang sa pagpatuloy ng inyong pagtuturo sa iyong mga disipulo.
3. May mga mungkahi sa pagsisimula para sa Unang Hakbang. Sa ibang pahina ng Prompts and Notes sa Gabay na ito, iyong makikita ang mga Paalaala tungkol sa kahalagahan ng paghubog at pagsasanay ng mga disipulo. Sa ibang pagkakataon iyong matutuklasan ang mga mungkahi para sa pagbabalik aral. Tandaan: ang lahat ng ito ay mga kabuurang paalala lamang.
4.
Ang
mga numero sa ikalawang bahagi ng pahina ay tumutukoy sa mga numerong may guhit
na nakasulat sa balangkas ng Paghubog sa Disipulo. Ang pana ( ) na nakalagay sa
unahan ng bawat numero ay nangangahulugan na may mga katanungan na nakasulat ng
pahilis na maari mong gamitin sa pagsisimula ng pagtatalakay sa bagay na iyon.
Ang numero na walang pana (tulad ng 2.3 sa pahina 1a) ay mga karagdagang impormasyon na magsasabi sa iyo kung ano ang aming nasa isip habang sinusulat namin ang balangkas na ito.
5. Sa wakas, ang talata sa ibaba ng pahina ay unang paalala kung ano ang nasasabi na – tulad ng mga tanong na inihanda sa Gabay sa Paghubog Ng Disipulo – ay mga mungkahi lamang. Huwag mabahala , magtiwala ka sa paggabay ng Espiritu Santo, - huwag mag-alinlangang umisip ng sariling katanungan na magagamit sa pagtuturo at sa paggamit ng balangkas na ito kasama ng iyong mga disipulo.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos mapag-aralang mabuti ang pahina 1a.
Sa inyong pagsisimula, maaring pag-usapan ninyo kung gaano katagal magkakaroon ng pagtitipon. Maari mong imungkahi na pwedeng tatlo o apat na linggo lamang. Sa katunayan, hindi matatapos sa loob lamang ng isang buwan ang pagtuturong ito. Kaya, kailangang-kailangan pa ninyo ang karagdagang panahon para sa natitirang mga aralin. Dahil diyan, dapat mong kausapin ang mga disipulo kung gusto pa nilang ipagpatuloy ang sama-samang pag-aaral. Pag-usapan ninyo ito. Hingin mo ang kanilang pasiya. Kung papayag sila, magpa-zerox ka nang ilang kopya ng Unang Aralin. Pero takpan mo ang bahagi ng “Unang Aralin” sa pagpapa-xerox. Sa ganitong paraan, hindi nila maiisip na mahaba ang inyong pag-aaral. Sa ganitong pamaraan, mas madaling itigil ang gawain kung makikita at mararamdaman mo na walang interes ang mga tao. Huwag kaligtaan ang relasyon at pakikipag-ugnayan sa kanila. Tulungan mo silang mauunawaan at mararamdaman nila na sila ay patuloy na umuunlad at maging dalubhasa. Kung itigil n’yo ang gawain, huwag n’yo na lamang bastang itigil. Dapat maging angkop ang iyong pagtatapos dahil nagsimula kayo ng maayos.
Ang huling talata na dapat mong isipin bago ka magsisimula ay yaong madalas nating makakalimutan. Dapat isaalang alang mo ang mga katanungang ito: Ano ang iyong layunin sa pagdidisipulo? Ano ang iyong naiisip sa pagkakataong ito? Maraming mga paraan ang pagsagot sa mga katanungang ‘yan.
Maaring ang iyong maging kasagutan ay ang pagkakaroon ng malawak na pang-unawa kung ano ang pamumuhay Kristiyano, o maaring ang pagkakaroon ng kakayahang makapagturo o maging bahagi sa pagsasanay ng mga bagong Kristiyano, o maging tagapagsanay o tagapagturo ng mga mamumuno sa mga cell groups o sa mga prayer meetings, o kaya ay sa paghahanda sa mga taong gustong magtayo ng bagong simbahan, mga taong gustong maging bahagi ng ministeryo ng pastor, o kaya ay mga Sunday School teachers, o kaya ay maging tagapayo sa mga worship leader. Isa sa layunin ng mga nabanggit ay makapagsanay ng mga bagong disipulo. Gamitin mo ang iyong imahinasyon, at isipin kung ano pa ang mga posibilidad na magagawa para mas maging maganda ang paghahanda ng mga disipulo.
Isulat ang iyong mga layunin sa pamamagitan ng pagkumpleto sa sumusunod na pangungusap:
“Ang layunin ko sa pagsasanay at pagtuturo ng mga disipulo ay ang mga sumusunod:
__________________________________________________________________________________________ upang ___________________________________________.
o Lagyan ng tsek ang kahon matapos isulat ang iyong mga layunin.
Tandaan: Ang takot o nerbiyos na iyong madarama sa pagkakataong iyong lalapitan ang taong gusto mong alukin na maging disipulo ay nagmumula sa kalaban. Ayaw ng demonyo na maganap ang mabisa at makapangyarihang hakbang na ito. Ngunit mayroon tayong tagumpay kay Kristo. Kaya, tayo ay manalangin at humayo. Hilingin natin sa Espiritu Santo na ikaw ay mapuspos at gamitin ng buong puso sa Kanyang ministeryo.