IKA-WALONG HAKBANG
Ang ating pagsaksi Para sa Salita ng Diyos
1. Mga paraan ng Pagsaksi
1.1 Sa pamamagitan ng iyong buhay Santiago 1:22; Colosas 4:5,5; 1Pedro 3:16. Kung anong
klase ka na tao ang maliwanag kong maririnig, ngunit ang iyong mga sinasabi ay hindi ko
marinig. Emerson
1.2 Ang iyong mga salita 1 Juan 1:3; 1 Pedro 3:15
A. Tuwirang pagsaksi o pagpapatotoo tulad ng paggamit ng :Four Spiritual Laws
2 Timoteo 1:8
B. Hindi diretsahang pagpapatotoo pagbibigay ng iyong mga karanasan tungkol sa
kapangyarihan ng Diyos sa iyong buhay.
1.3 Ang iyong pag-alala sa mga problema o pangangailangan ng iyong kaibigan Mga Gawa 28:8
2. Sino ang responsible sa pagligtas ng mga tao? Tingnan sa appendix pahina 39-41)
2.1 Jesu-Cristo I Timoteo 1:15
2.2 Tayo ay sugo ni Kristo 2 Corinto 5:19,20
2.3 Ang Mabuting balita ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan natin Roma 1: 16;
Ipaliwanag ang Mabuting Balita sa iyong sariling pananalita. I Corinto 15:3,4.
3. Ang halimbawa ng pagiging saksi: Si Felipe at ang Eunokong taga-Ethiopia Mga Gawa 8:35
3.1 Nakipag-usap siya ng tuwiran Mga Gawa 8:35
3.2 Sa oras ng kanyang pagbabahagi ng Mabuting balita, ginamit ni Felipe ang Salita ng Diyos
Mga Gawa 8:35. Ang plano ng kaligtasan sa Bibliya ay tulungan tayo sa gayong paraan. (Ang nakatala sa ibaba ay katulad ng Roman Road sa Unang Hakbang):
Ang plano para sa kaligtasan:
A. Lahat ay nagkasala Roma 3:23
B. Kamatayan ang kabayaranng kasalanan Roma 6:23
C. Si Kristo ay namatay para sa atin Roma 5:8
D. Ang kaligtasan ay kaloob Efeso 2:8 8-9
E. Kailangangang tanggapin mo ito Pahayag 3:20; Juan 1:12
F. Kailangang tanggapin mo siya bilang Panginoon Roma 10:9
G. Ang katiyakan ng kaligtasan - 1Juan 5:11,12
3.3 Si Felipe ay handa at may karunungan sa salita ng Diyos 1 Peter 3:15,16
4. Personal na patotoo
4.1 Ano ang personal na patotoo? 1Juan 1:3; Mga Gawa 4:20
4.2 Patotoo ni San Pablo Mga Gawa 26: 4-23; 22:1-21. Ang patotoong ito ay maaaring hatiin sa tatlong bahagi
A. BC Ano ang kanyang buhay bago makilala si Kristo Mga Gawa 26: 4-11
B. MC Sa Oras na makilala ni Pablo si Cristo Mga Gawa 26:12-18
C. AC Ano ang buhay ni San Pablo matapos makilala si Cristo Mga Gawa 26:19-23
5. Mga Kristianong nabubuhay na may pagkakaisa ito ay pinaka matibay na patotoo- Juan 17:21, 23; 1 Corinto 12:20,25
6. Ang ugat ng ating patotoo ay ating makikita sa mga huling salita ni Jesus na kilala sa tawag na Dakilang pagsugo Mateo 28:19-20. Ang kahalagahan nito ay makikita kung ikukumpara sa kanyang mga pananalita at bilin sa kanyang disipulo Mateo 4:19. Laging tandaan ang Kanyang utos na manalangin tayo palagi. Mateo 9:37-38. Ang patotoo natin ay magsisimula sa bahay at ito ay magpapatuloy sa ating mga kapit bahay, hangang sa mga taong malayo sa atin. Mga Gawa 1:8.
Hamon sa pag-aaral:
Sanayin ang 1 Juan 1:3 [ ]
Isulat ang iyong sariling patotoo at gamitin bilang
modelo ang nakasulat sa 4.2 [ ]
Pagsanayin din ang plano sa kaligtasan na nasa 3.2 [ ]
Pag-aralan ang ilustrasyon tungkol sa tulay at
maging handa sa pagtalakay. [ ]