IKATLONG HAKBANG
1. Sariling debosyon araw-araw.
1.1 Halimbawa ni Kristo Marcos 1:32-35
1.2 Bilang simula, magdasal ng 7 minuto bawat araw:
2 minuto magdasal, humingi ng pamumuno ng Diyos
3 minuto basahin ang Biblia
2 minuto magdasal na ipamuhay ang natutuhan
1.3 Mga kailangan: isang lugar, oras, isang plano at Biblia (lapis at papel)
2. Ang larawan ng gulong ay nagpapakita ng relasyon ng mga tema sa bawat hakbang na sumusunod dito sa mga hakbang sa Paghubog ng Disipulo.
2.1 Cristo Ang gitna ng gulong, ang sentro ng ating buhay Filipos 2:9-11.
2.2 Espiritu Santo Ang Espiritu Santo ang nagsisilbing takip o balot na nakahakab sa sentro ng gulong na walang iba kundi si Cristo Efeso 5:18; Juan 16:13; Lukas 3:16.
2.3 Mga rayos na patayo ( Ang Diyos ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita at tayo naman ay nangungusap sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga panalanganin)
Ang Salita Mga Awit 119:9,11; Mateo 4:4
Ang Panalangin Filipos 4:6-7; Juan 15:7
2.4 Mga Rayos na paharang (Tayo ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kapwa nating Kristiyano at sa mga hindi Kristiyano sa pamamagitan ng ating patotoo).
Pakikipag-ugnayan 1 Juan 1:7
Patotoo 1 Juan 1:3
2.5 Ang Pagsunod Juan 14:21; Lukas 6:46-49 Ang goma o rim na sumasalo sa lahat.
Hamon sa pag-aaral:
Simulan ang pagkakaroon ng debosyon sa panalanganin. [ ]
Dalubhasain ang Juan 15:5 at ang mga parte ng gulong. [ ]

*Kinopyang may permiso sa libro ng Navigators.