IKA-SIYAM  NA HAKBANG

Pakikipag-ugnayan, Pakikipag-kaibigan

(Fellowship)

 

1.    Ang pakikipapag-ugnayan o fellowship ay pagkakaisa ng mga kasapi ng grupo.  Ang pakikipag-ugnayan ay  ang pagbubuo ng pagkakaibigan, pagiging malapit sa isat-isa, pagkakaroon ng pagbabahagi ng mga personal na karanasan, gawain, at mga interes.  Ang mga pagtitipon sa pananaw ng mga Kristiyano ay katulad na isang pamilya na namumuhay sa ilalim ng isang pinuno – na walang iba kundi si Kristo.  Sinusunod natin si Kristo, sa pamamagitan ng pagmamahalan ng isat-isa, matutulungan at matututo ang isat-isa.

 

2.   Basehan sa pagtitipon

 

2.1     Ang mga pagtitipon ay nag-uugat sa sa ibat-ibang bagay:

    1.  Ang kagustuhan natin na mapabilang sa grupo
    2.  Pare-pareho ang mga interes
    3.  Para bigyan ng importansya ang ibang tao
    4.  Kasanayan

 

2.2     Pagtitipong Kristiyano

A.     Ayon sa pakikipag-isa natin sa Ama at sa Anak – 1 Juan 1:3

B.     Nangangahulugan na lumakad tayo sa liwanag – 1 Juan 1:7

C.     Manatili dahil si Kristo ay hindi nagbabago – Hebreo 13:8

D.     Tayo ay nabilang sa bawat isa – Roma 12: 5

 

3.  3:1  Apat na bagay na patuloy nilang ginagawa -  Mga Gawa 2: 42

A.     Pag-aaral o pakikinig na nga turo ng mga apostol

B.     Pagtitipon o magandang pagsasamahan

C.     Pagsasalo sa pagkain

D.     Panalangin

 

3:2   “Magkaisang lubos at sama-sama kayong gumawa ng isang kaisipan  sa layunin.” 

        – Filipos 2:1-2   Sa iyong sariling pananalita, paano mo ipapaliwanag ang mga katagang ito.

 

3:3   Ang mga kristiyano nagmamahal sa isat-isa – 1 Tesalonika 4: 9-10; 2 Tesalonika 1:3

 

4.   Bakit mahalaga ang magandang pagsasamahan (fellowship) sa mga Kristiyano?

 

4:1   Ito ay nagdudulot sa simbahan ng mga sumusunod:

                 A.  Pagtanggap ng buong pag-ibig sa isat-isa

      B.  Pagmamahal at pagsuporta sa mga relasyon – Galacia 5:6; 6:2

            C.  Pagtutulungan – Mangangaral 4:9-10, 12; Galacia 6:10

D.  Pagkaroon ng matyuridad – Efeso 4: 13 –16

                 E.  Mas epiktibong pananalangin – Mateo 18: 19, 20

      F.  Pagpapaalala at pagtuturo – Colosas 3: 16

          G.  Pagpapatibay ng relasyong pampamilya – Efeso 5: 21 – 6:4

 

4:2   Para sa mga hindi mananampalataya, ang magandang pagsasamahan (fellowship) ay:

        A. Nagpapatunay na tayo ay disipulo ni Kristo – Juan 13: 34-35

            B. Nagpapakita ng ating pagkakaisa upang ang iba ay paniniwala na si  Jesus ay sinugo

           para sa atin ng Diyos. – Juan 17: 21,23

            C. Nagiging posible ang mga gawaing pang misyon at pagpapaliwanag ng salita ng Diyos

                – Roma 10:14-15

 

5.   Ang Katawan ni Kristo – Roma 12; 1-8

 

5.1  Mga reponsibilidad ng bawat miyembro sa bawat isa. – Roma 12: 1-3

     A. Paghahanda sa sarili bilang buhay na hain o alay para sa Diyos. – Roma 12: 1

     B. Magkaroon ng pagbabago.- Roma 12:2

     C. Maging magpakumbaba – Roma 12:3

    

     5.2  Mga responsibilidad ng mga kasapi ng katawan ni Kristo sa isat-isa

       A. Mahalin ang isat-isa – Juan 13: 34-35

       B. Ituwid ang isat-isa at magtulungan – Galacia 6:1-2

       C. Magpatawaran – Colosas 3:13

    D. Aliwin at palakasin ang isat-isa – 1 Tesalonika 5:11

    E. Paalalahanan at ingatan ang pananalig ng isat-isa – Hebreo 3: 12-14

    F. Sisiyatin  ang isat-isa sa pagmamahal – Hebreo 10:24-25

   G. Magkumpisal sa isat-isa – Santiago 5:16

 

5:3  Mga katangian ng katawan ni Kristo – Roma 12: 4-4

       A. Maraming miyembro – Roma 12: 4

   B. Maraming kasapi pero iisang katawan – Roma 12:15; 1 Corinto 12:20

       C. Hindi pareho ang mga ginagampanang tungkulin – 1 Corinto 12: 7-11

   D. Ang lahat ay kasapi ng bawat isa – Roma 12: 5

   E. Dusa ng isa, dusa ng lahat – 1 Corinto 12:26

 

6.   Ang mga Kristiyano ay may espesyal na relasyon sa Diyos.  Sila ay mga…

 

6.1   Anak ng Diyos – Juan 1:12 at Kaibigan ng Diyos – Juan 15:5

6.2   Tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Kristo – Roma 8:17

6.3   Kasapi ng pamilya ng Diyos – Efeso 2: 19

6.4   Pamilya ng mananampalataya – Galacia 6:10

6.5   Mga kapatid ni Hesu-Kristo – Hebreo 2: 11-14

 

Hamon sa pag-aaral:

Kasabihan – 1 Juan 1:7                                                   [  ]

            Basahin ang 1 Corinto 12. Ayon sa versikulo

           11-31, anu-ano ang mga natatanging

           katangian ng katawan ni Kristo?                                       [  ]