IKALAWANG HAKBANG

Ang Basehan sa Paghubog ng Disipulo

 

Roma 1:11,12 “Dahil sabik na akong makita kayo. Ibig kong mabigyan kayo ng pagpapalang espirituwal  na makapagpapatibay sa inyo. Nais kong magtutulungan tayo sa pagpapalakas ng pananampalataya ng bawat isa.

 

  1. Ang paghubog ng Disipulo

 

   1.1  A. Apat na salinlahi: ito ay isang modelo kung paano mapaparami ang mga alagad na ayon sa Biblia.  Ang Madandang Balita ay ibinabahagi lamang sa ibang tao sa pamamagitan ng kwento o simpleng pakikipag-usap at ito ay naipasa rin sa ibang tao mula sa una hanggang sa ikaapat na salinlahi.

                       

2 Timoteo 2:2

Unang henerasyon: San Pablo

Ikalawang henerasyon: Timoteo

Ikatlong henerasyon: Mga lalaking tapat

Ikaapat na henerasyon: Ibang tao

 

     B. Ang paraan ng pagdidisipulo ayon sa Lumang Testamento – Awit 78:5-6

 

    1.2    Ilustrasyon ng dalawang dagat:

 

    A.  Ang Dagat na Patay – Ay hindi nakapagbibigay buhay sa pagkat hindi ito nagbibigay, tanggap lamang 

        itong tanggap ng tubig. (Katulad din ng mga Kristiyanong tanggap lang ng tanggap pero hindi naman

        nagbibigay o nagbabahagi ng Mabuting balita  sa ibang tao.)

 

    B.  Ang Dagat ng Galilea: Ay nagbibigay buhay sapagkat ang tubig ay nagmula sa kanya. (Ito ay katulad 

        ng mga Kristiyanong nagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa Bibliya sa ibang tao.)

 

     1.3   Mga Halimbawa:

               A.   Ang pagbabahagi ni San Andres kay San Pedro (Simon) – Juan 1:40-42

   B.   Sina Felipe at Nathanael – Juan 1:43-45

   K.  Si Jesus at ang Kanyang mga disipulo – Markos 3:14. Pinili Niya ang labindalawa na makasama muna at

        pagkatapos saka Niya napag-atasan.

 Inpormasyon 10% ng pagtatangka na magdisipulo

 Paghubog 90% ng pagtatangka na magdisipulo

 

  1. Mga dapat sundin sa pagdidisipulo ayon sa aklat ni San Lukas 14:25-33.  Ito ay pamilyar na paraan ngpagtuturo ng mga Hudyo. Ikumpara sa Mateo 10:37-39; 15:3,4 
  2. Anu-ano ang mga pribelehiyo ng pagiging disipulo ayon sa Juan 15:7-16?
  3. Ang inilalahad natin ay mga pangunahing bagay na dapat nating malaman sa pagdidisipulo. Huwag mawawalan ng pag-asa kung hindi mo makita ang mga katangian ng isang disipulo sa pasimula pa lamang. Bawat –isa sa atin ay patuloy na matututo at uunlad sa pang-unawa.

         

          4.1   Mga pangunahing katangian na nabubuo sa buhay ng isang disipulo.

    A.     Matibay na desisyon – 1 Corinto 16: 1,14

    B.     Pagiging hinog sa Panginoon – Efeso 4:14,15

    K.    Masipag. Pagkaroon ng pagnanasa na matuto at ipamuhay ang mga natutunan. – 1 Timoteo 4:15-16

    D.  Pagiging matapat. Pagkakaroon ng tiwala sa bawat isa. 1 Corinto 4:2; Mga Kasabihan 20:6;  

         Mangangaral 5:4-6a.

    E.      Pagiging modelo. Pagiging isang mabuting huwaran sa kapwa. – 1 Timoteo 4:12

    G.  Huwag Magmadali. Paghahanda sa pangmatagalang paglilingkod. 1 Cor. 9:24,25

 

    4.2    Relasyon sa Kapwa

   A.    Ang pagiging magkaibigan ay kinakailangang bigyan ng sapat na atensyon. – Mga Kasabihan 17:17; 

         Juan 15:12-14

   B.    Ang namumuno ay nakatuon sa paglilingkod. – Marcos 10:43-45.  Ang bawat Kristiyano ay isang

         lingkod. Hindi ito isang patakaran ng kultura kundi isang modelo ni Cristo para sa atin.

   K.  Ang pagsunod ay plano ng Diyos. Efeso 5:21; 1 Pedro 5:5; at pagkaisa ay resulta ng pagiging isa natin

        sa isang katawan Efeso 4:16

  D.  Ang kapangyarihang espirituwal ay resulta ng ating paglilingkod sa bawat isa. Mapapansin natin kung

        paano  si Tito ay isinugo ni San Pablo (Tito1:5) upang gumanap na may kapangyarihan (Tito 2:15).

       Gayundin si San Pablo, ipinailalim din  niya ang kanyang sarili sa kapangyarihan ng mga apostol

       (Gawa 15:1-2; 16:4 at Galacia 2:9,10) Kinikilala at sinusunod natin ang mga lingkod ng Diyos.

 

Hamon sa Pag-aaral:

                   Sauluhin 2 Timoteo 2:2                                                             [  ]

                   Hanapin ang ilan sa mga katangian ng isang disipulo:                  [  ]

 

                  Juan 13:34-35  __________________________

Juan 8:31  ______________________________

Efeso 6:18  _____________________________

1 Pedro 3:15  ___________________________

Juan 15:8  ______________________________

Markos 10:43-45 ________________________

Mga Gawa 1:8 __________________________