IKAAPAT NA HAKBANG

Si Kristo Ang Sentro

Ang Pagiging Panginoon Ni Kristo

 

1.          Sinasabi ng Bibliya na si Kristo ang Panginoon.*  Nais Niyang maging Panginoon ng bawat isang mananampalataya.  Ang ibig sabihin ng Panginoon ay:  May-ari, Pinuno, Tagapamahala, Maestro, Hari, Punong Sinusunod, Boss, Amo.  Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang pinatutungkulan ay: may mataas na posisyon o ranggo, makapangyarihan, may dakilang awtoridad, at maestro na sinusunod.  Kung gayon, nararapat lamang na tayo ay sumunod sa tanong na inihahain sa Lukas 6:46.

 

2.          Nararapat lamang na tayo ay magdesisyon na sumunod sa isang Panginoon o magsilbi sa isa’t-isa.  Lukas 16:13

 

3.          Pumili ng dalawa o tatlong bagay na sa iyong palagay ay magiging mahirap sa iyo na sundin sa ilalim ng pamamahala ni Hesu-Kristo o magiging hadlang sa iyo upang tanggapin si Hesu-Kristo bilang Panginoon.

   3.1           Mga prayoridad – Mateo 6:33

   3.2           Mga ari-arian – damit, alahas, kotse, at iba pa – Lukas 12:15

   3.3           Katayuan sa buhay – Mateo 20:26-28

   3.4           Kapangyarihan – 1 Pedro 5:5-6

   3.5           Sobrang pagpapahalaga sa sarili – Roma 12:3

   3.6           Pamilya – Lukas 14;26, Mateo 10:37

   3.7           Mga bisyo – droga, alak – Efeso 5:18

   3.8           Paghahangad sa maraming bagay – Markos 4:19

   3.9           Sariling kapakanan – Filipos 2:3-4

   3.10     Pera, kwarta – Eclesiastes 5:10,11; Mga Awit 62:10

   3.11     Pangangalaunya –1 Corinto 6:18-20; Mateo 5:27-28

   3.12     Pag-aalala – Roma 8:28; Pilipos 4:6

   3.13      Mabuting gawa – Roma 4:4-5; Efeso 2:8-10

   3.14       Ikasampung bahagi, pagnanakaw sa Diyos – Malakias 3:8-10; II Corinto 8:1-5; 9:6-8

 

*Sa Bagong Testamento, ang salitang Tagapagligtas ay ginamit ng 24 na beses at ang salitang Panginoon ay ginamit ng may 600 beses.  Ito ay nagpapatunay lamang sa kahalagahan ng pagiging Panginoon ni Hesus sa bawat tao.

 

   3.15      Takot, pangamba – II Timoteo 1:7; 1 Juan 4:4,18

   3.16     Kaisipan – Filipos 4:8; Colosas 3:2

   3.17     Paghatol – Mateo 7:1-3

   3.18     Kapaitan, galit – Hebreo 12:14,15

   3.19     Panlalait – Santiago 43:2; Mga Kasabihan 26:20-22

   3.20     Inggit – Mga Kasabihan 14:30; 1 Pedro 2:1

   3.21     Masamang ugali – Mga Ksabihan 16:32, 2 Timoteo 1:7

   3.22     Iresponsable – 1 Corinto 4:2; Mateo 25:14-30

   3.23     Pag-aalaga sa katawan – 1 Corinto 6:19-20

   3.24     Pagsisinungaling – Levitico 19:11, Efeso 4:25

   3.25    Galit ng may paghihiganti – Mga Kasabihan 10:12, 1 Pedro 3:9

   3.26     Pagpapatawad – Markos 11:25-26

  3.27     At iba pa… (Halimbawa, rasismo, pagtataboy sa ibang tao, panloloko, pandaraya, pagsasamantala sa kapwa tao, pagpapabula kay Kristo).

 

  1. Sa iyong isipan at sa iyong kalooban, kusang pumili ng mga bagay sa iyong buhay na gusto mong ihandog bilang sakripisyo o hain sa Panginoong Hesu-Kristo – Roma 12:1-2.

 


 

 

 

 

    4.1    Isaalang-alang mo ang paniniwalang pagbibigay ng lahat ng iyong karapatan sa Diyos.  Kung iyong  ipagkakatiwala ang iyong sarili sa Diyos, hindi ka Niya pababayaan, dahil hindi pinababayaan ng Diyos ang sarili Niyang mga lingkod.  Wala nang dapat pang pagtaluhan, hindi na dapat idahilan ang ugali ng kapwa na maghadlang sa atin sa pagsunod kay Kristo, hindi na dapat katakutan ang mga bagay na ginagawa ng ibang tao, sapagkat ang iyong atensyon ay nakatuon na kay Kristo.

 

     4.2    Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung ipagkakatiwala mo ang lahat ng iyong ari-arian kay Kristo?  Genesis 22:1-18

 

        -         Ano ang inialay ni Abraham sa Diyos?

        -         Ano ang ginawa ng Diyos sa kanyang alay?

       -         Maipagkakatiwala mo ba ang iyong sarili sa Diyos na Siya ang tagapamahala sa iyong buhay at mga  ari-arian?

 

    4.3    Italaga mo ang iyong sarili sa pagbibigay  papuri at pasalamat sa Diyos anuman ang mangyari.  1 Tesalonika 5:18; Efeso 5:20.  Ito ang susi upang malaman natin kung tunay nga bang ipinagkatiwala mo na  ang iyong sarili sa Diyos.

 

     4.4    Magpatuloy na humingi ng gabay sa Diyos araw-araw sa pamamagitan ng pananalangin.  Ipagpatuloy angpagtitiwala sa Diyos .  Ito ay isang relasyon na hindi natatapos sa loob ng maghapon.  Ito ay patuloy.  Lukas 9:23

a.       Kalimutan ang sarili

b.      Pasanin ang sariling krus araw-araw

c.       Sumunod kay Kristo

 

Hamon sa Pag-aaral

        Memoryahin ang Filipos 2:9-11                                                                       [  ]

        Basahin ang libreta na may pamagat na

        “Have you made the wonderful discovery of the Spirit-filled life?”            [  ]

 

*Ang ilustrasyon na ito ay ginaya sa nabanggit na libreta na inimprenta ng Campus Crusade for Christ, Inc. 1966.