ANG ILUSTRASYON NG TULAY

 

Nilikha ng Diyos ang Tao upang magkaroon siya ng direkta at personal na relasyon sa kanila.  Ang relasyon na ito ay sinira ng kasalanan.  Ngayon, ang Diyos at ang tao ay nagkahiwalay.

 

1.   Ang tunay na kalagayan ng tao.

1.1     Lahat ay nagkasala – Roma 3:23

1.2     Ang bunga ng kasalanan – Roma 6:23

1.3     Magkakaroon ng paghatol – Hebreo 9:27

 

2.   Ibig ng Diyos na magkaroon ng relasyon sa tao.

2.1     Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kung kaya’t ipinagkaloob niya rito ang  

         kanyang anak. – Juan 3:16

2.2     Gusto Niyang bigyan tayo ng buhay na walang hanggan – Juan 10:10

2.3     Minahal Niya tayo kahit na tayo ay hindi karapat dapat na mahalin – Roma 5:8

 

3.   Pinipilit naman ng tao maabot ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang relihiyon, pilosopiya,

      mabubuting gawa, at iba pa.  Ang mga ito ay inilalarawan ng maliit na tulay sa ibaba. – Efeso 2:8-9;

      1.   Mga Kasabihan 14:12.

 

4.   Ngunit ang Diyos ay naghahanda ng tanging daan na maaari nating daanan patungo sa Kanya –

      iyon ay sa pamamagitan ni JesuCristo na namatay sa Krus upang maliligtas tayo sa ating mga   

      kasalanan. Juan 14:16; 1 Pedro 3:18.

 

5.   Kailangang tanggapin natin si Jesu Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas.

     Tanungin ang mga tinuturuan kung may hadlang sa kanila para tanggapin si JesuKristo, at hintayin ang kasagutan. Kung sasagot siya ng “wala” hihikayatin mo ang taong manalangin sa kanyang sarili o susunod sa iyo sa iyong panalangin.  Maaari mo siyang bigyan ng ng mapag-aralan niya sa bahay, ayon sa itinuro mo sa kanya.  Ipapaalam mo sa kanila na malaking kasiyahan sa iyo ang malaman ang kanilang mga katanungan.  Matapos nilang tanggapin si Jesu-Kristo sa kanilang buhay, gamitin mo ang Aralin bilang isa para sa ikalalago ng kanilang pananampalataya.

 

Habang inilahad mo sa kanila ang ilustrasyon ng tulay, isulat o kayay iguhit mo ito.  Tandaan:  Huwag isulat pati ang numero na nakalagay dito sa ilustrasyong ito.  Iyan ay ang pagkakasunod ng mga puntos na iyong ipapaliwanag sa kanila.  Pag-aralan at pagsanayan ang paglalahad sa ilustrasyong ito.